|
Tuesday, May 27, 2008
moving on... ...moving out. naconvince nila ako na lumipat na ng blog site. ang hirap kasi magmaintain ng dalawa. transferred to : www.johannalise.multiply.com
- posted by jolise @ 01:51 pm Make a comment Permalink
Monday, March 24, 2008
missing He never said that the cross would not be heavy... it's been a really long time since i last blogged, really wrote something...something straight forward. at natutuwa ako nung nagsearch ako ng old articles. parang history repeats itself. only now, its different kasi parang ito na ang last of all the repetitions. this would be my last sem in up, in college. grabe, kiniclaim ko na na ako ay gragraduate. haha. :) it feels weird. this week, i have 5 (or 6?) exams left, and a major paper. kakaiba lang yung feeling na ito na ang last stroke.. at pinapahirapan pa nila kami. haha. joke lang. ang senti lang na these are the last exams that i would be taking, ang the last paper i would be making in college. and its not even a psych paper. haha. acads aside (haha, i always put them aside). im missing the sunrise and the sunset, seriously. nagpapasalamat ako sa Lord for the stars every night since last week pa ata or two weeks ago. Seems like He knows i need them. one million stars falling from the sky. im missing the trees, and children. i know im moving on from a lot of things, pero somehow you can't help but feel na there's a part of you being left behind. because there is. and im not even sure of if i want it left behind. unavoidable ba yun? i sound like ranting. writing my thoughts without even thinking if its proper to put them into words. haha. ..realization: there's still the need to fight, be wounded..and learn. but its easier to fight the battle knowing its already won. you just have to reminded yourself of that. because when the swords starts clashing and shields break and your strength fails you, its hard to see a victorious end. i have to remind myself that. ang scattered ko. pero sa friday pa ako magkakaron ng time to pick myself up. sana wala pang nawawalang pieces of me, or baka may mga naapakan na. haha. nakaisip ako ngayon lang ng music video concept out of that. wee. :) i dont really know if im happy, maybe. or maybe i just have no time to think or feel if i am. why is there time? why can't we have our own time, difeerent among ourselves? why is life always bounded by the concept of time? its not even tangible, it doesn't even feel anything..no joy, no pain, no regret, no victory. sometimes, its stupid to asko those type of questions, knowing that everyone, even yourself has a ready answer for it. i dont know. i really miss hanging around with kids. surrendering my armor, resting from the battle..to eat ice cream. - posted by jolise @ 12:03 am Comment (1)Â Permalink
Saturday, March 08, 2008
sa kanta nalang MATA Mojofly Kumusta na Nandyan ka pa ba Wala na yatang ibang magagawa Kundi tumawa Nandyan pa ba Mga ala-ala Ang tanging bagay na naiwan Sa 'ting dalawa Wag nang paikutin ang isa't isa Lahat ng bagay ay malinaw na Di na rin kailangan pagpilitan pa Di mo na kinakailangan pang magsalita Nakita ko ng lahat ito Pinahihiwatig ng mata mo Salamat na lamang sayo BURNOUT - posted by jolise @ 12:48 pm Make a comment Permalink
Wednesday, February 13, 2008
pisiks …on blogleave ako for a long time…
Im back. Para kay Ronnie* Nagulat ako nung nakita ko syang muli nung huli kong punta sa Math. Ayoko nang bunalik sa math building at sinabi ko sa aking sarili na hindi na ako babalik dun after ng pangalawa at huli kong math subject. Pero parang hindi ganun ang gusto ng nakakaalam ng lahat. Nagkaproblema ang subject ko at kinailangan kong bumalik balik sa math para asikasuhin ang grade ko. At dun ko muling nakita si Ronnie. Nakaupo sya sa isa sa mga benches at binati nya ako. Tingin ko nalimutan na nya ang pangalan ko. Pero naalala pa din nya ako dahil sa isang bagay. Naging klasmeyt ko si Ronnie sa physics 71.1, laboratory class. At hindi required sa course naming yun. Ewan ko ba kung bakit ko kinuha. 2 oras every wedenesday, at sobrang hirap ng mga exercises at lab reports. Ang layo pa ng nip. Minsan sinusumpa ko na ang sarili ko kung bakit ko ba kinuha ang subject na yun. Pero matapos ang lahat, narealize ko kung bakit hinayaan na makuha ko yun. Nakilala ko sila. Si Ronnie, si Marcus* at Jing*. Groupmates pa kami at magkakasama sa table. And they are wonderful people. Tinanong agad ako ni Ronnie kung nakalipat na ako sa physics, lagi nya kasi akong niloloko na magshift na ako. Sabi ko graduating na ako at pabirong sasabihin na sayang hindi ako nakalipat… may physics prof kasi silang inaasar sa akin nun. Genius si Ronnie. Pero alam kong yun nalang ang naalala nya tungkol sa akin. Pero okei lang. At least meron. Siguro tinuro nila sa akin na may mga taong hinahayaan ng Diyos na dumaan sa ating buhay, kahit panandalian, na tulad ng isang sem. at pwedeng sa panahon na yon ay hindi natin alam kung bakit pero oo nga naman, we still have our whole lifetime to find out. Malay ko ba, magkita kami ni Ronnie ulit, at isa na syang genius scientist. Hehe. J *binago ang mga pangalan para sa kapakanan ng mga taong nabanggit. J - posted by jolise @ 04:37 pm Comments (2)Â Permalink
Saturday, December 15, 2007
when? ang tagal na. ang tagal na ng huli akong nagblog. pero baka hindi rin. matagal ba ang 14 days? sa tingin ko hindi, dahil ang bilis ng panahon. ilang araw nalang pasko na, tapos bagong taon. baka paglabas ko ng pinto graduation na. after ups and downs, twists and turns, ito ang ilang updates sa aking buhay..para sa mga taong hindi ko natetext. btw, wala na pala ulit unlimited sa globe. baka dahil sa holidays. *ang aking kaarawan. bow. *and nmat. *ang skul. *songs. ang mga kanta ng buhay ko at the moment. *themes napakabuti ng Panginoon. and papuri at pagsamba ay sa Kanya lamang.
._._._._._._.
para kay sir rene. nabalitaan ko na may dalawa daw na propesor ng CAL ang magkasunod na pumanaw. nalungkot ako. kakaalis palang ni sir david, tapos ngayon, meron na naman. ang naisip ko nun, tapos na ang panahon nila. they have served their time, and they did it well. hindi ko naman alam na sir rene pala ang isa. december 5 ng madaling araw, heart attack. 2nd year. 2nd sem. Cal 209. MTh. 830-10. MP10. terror si sir, namamahiya, paminsan nagmumura pag nagkukwento, masungit at mataas ang expectations. malabo ang mata nya kaya madalas sa harap ako umuupo, at kahit minsan, hindi ako natawag para magrecite. hindi din ako natawag para makipagduelo sa mga akda namin. ewan ko ba kay sir, baka naawa sa akin. marami sa mga kaklase ko ang takot sa kanya, lalo na ang mga freshie. at alam kong nagiisip sila kung bakit pa nila kinuha ang klase na yun. hindi ko alam kung bakit masaya ako sa klase na yun. siguro dahil kay sir rene villanueva. tuwing Mth, inaabangan ko ang mga kwento ni sir. pakiramdam ko kasi ang wise nya. kakaiba sya at bilib ako na wala cyang pakialam sa sasabihin ng mga tao sa panlabas nyang mga gamit, mukhang masaya naman sya dun eh. minsan pumasok sya sa klase na naka orange na shirt at orange na pants. yung payong nya multicolored na malaki. mahilig nyang i-drag yun sa sahig pag naglalakad cya. yung bag nya digimon ang design. nakakatawa pero habang tinatype ko ito ngayon, umiiyak ako dahil wala na si sir. hindi ko na mapapapirmahan ang mga children's book na meron ako na sinulat nya. nakakatuwa si sir na madalas ang bitter nya sa buhay pero ang sasaya at ang gaganda ng mga librong pambata sa sinulat nya. naging part pa cya ng admin ng batibot, kahit ayaw nya sa mga bata. nanalo ng madaming palanca at minahal ng mga estudyante. alam kong mahal din ni sir ang mga estudyante kasi kahit nagkakasakit sya at mahina na ang katawan ay sige pa din sya sa pagtuturo. at kahit ganun, alam kong mabuti ang puso ni sir. yung personal--koleksyon nya ng mga sanaysay tungkol sa kanyang buhay ay nagpapakita nun. grabe. wala na si sir, pero parating andyan ang mga sinulat nya na magbibigay sa atin ng mga magagandang alaala tungkol sa buhay nya. nagpapasalamat ako na naging guro ko sya, oo, mababa ang grade na binigay nya sa akin, pero hindi ko ipagpapalit ang semestre na yun. naiyak ako nang makita ko muli ang litrato ni sir sa kule. mas malusog cya at nakangiti sa kuha na yun. at ganun ko sya gustong maalala. "in our lives, may people come and many people go...some stay...and only a few leave imprints in our hearts." - posted by jolise @ 11:34 pm Comment (1)Â Permalink
Saturday, December 01, 2007
hopeful Ang ganda ng enchanted. Ang ganda ng enchanted. Ang ganda ng enchanted. Ang ganda ng enchanted. Ang ganda ng enchanted. Salamat pepper at jardynne, I owe you millions of hugs. Manood kayo. J Naalala ko yung post ko super dati pa…why I do believe in fairy tales and happy endings. Grabe, stunned pa din ako sa ganda ng movie, bukod sa feel-good talaga cya. Ramdam mo yung pagka-animated nya kahit na real life ang mga tao. And yes, they burst into songs, very Disney nga naman. Nakakatawa pa na pakiramdam ko ay kumakanta sa isip ko yung song na, “I’ve been dreaming of a true love’s kiss…” nakakaadik. It’s one of those movies that would make you smile, cry, laugh, hope and yes..love the idea of loving. Its like love is the only thing valuable in the world… you step out of the cinema floating and with an inexplicable smile. And every once in a while you tend to lapse out of reality into the world of fairy tales. It gives hope, much much hope and optimism…in a world like this, we need a lot of that. Ang lamig na pala ng panahon. After ng tatlong bagyo, lindol at ni trillanes…Welcome december, welcome pasko. Hindi ko alam kung welcome ba talaga sila for me pero for the sake of humanity and the joy that comes with it, sige na nga. At least I have something to look forward to. Advent service din kanina kila mama. At wala akong ginawa kundi ang manood at makipaglaro sa mga bata. Ang pinakamatanda sa kanila ay 2 years old. Imagine, hindi pa nga sila magkapag-utter ng mga words. Ayun, enjoy kami sa sign language. At super cute nila, adik sila sa piano. Wala naman silang ginagawa kundi ipalo ang mga kamay nila sa mga keys. Pero promise, ang saya nilang panoorin. Nakakatuwa ang mga bata, they just love you for who you are..without pretensions and complexities. They don’t really care if you’re not at your best, they just want you there. And they make you feel that you are the most special person in the world…kasi they cry pag hindi ka na nila nakikita. And they are so happy at hopeful. Kids are God’s visible opinion that the world should still go on. They are living proofs of hope, of second chances, of faithfulness and love. - posted by jolise @ 12:25 am Make a comment Permalink
Friday, November 30, 2007
walt disney Well, they both lived during great times. When there were kings and queens and castles. They were royalty and had beautiful dresses. They were also both sleeping—one literally and the other, "in being". They had everything they wanted and needed, but they were both unhappy. One because she chose not too see the beauty and color of the world. The other was forced not to, so the world turned dark and gray as well. What made the difference? …the happily ever after. Because someone was brave enough to get past the woods, the vines, the castle, and yes even the evil witch to get through princess aurora. iListen: the guardian angel [by red jumpsuit apparatus] and samson [regina spektor] sometimes, we need people who would be stubborn enough to dig us out, pull us up and stick with us especially when the rain starts falling. - posted by jolise @ 12:12 am Make a comment Permalink
Wednesday, November 21, 2007
sprinkles "the flower that blooms in adversity is the rarest and most beautiful of all." finally. after 11 days ay nakaenroll na din ako nung monday. buti inextend nila ang enrollment kundi ang dami na naming out of school youth. ito na yata ang pinakanahirapan akong enrollment, considering na graduating pa ako sa lagay na ito. umabot po sa lebel ng pagtetext ng aking prof na nasa bacolod ng student number ko sa department para lang maenlist sa anthro.. salamat sir bot at kuya jere. :) doumo arigatou gozaimasu. pero grabe yung grace ni Lord...yung patience at peace na binigay Nya sa akin na makukuha ko ang mga subject na dapat kong kunin. nadepress na talaga ako nung mga thursday na. ang sarap umiyak. pero perfect ang timing ni Lord..as in. hindi lang dito, pero sa lahat ng bagay. nakakatawa lang na lagi akong nagrereklamo sa Kanya lalo na pag malapit na ang deadline. at nakakatawa din ang devotions ko nung araw na nakuha ko yung subject (friday)...a thousand day is like a day and a day is like a thousand days with the Lord. amazing din kung paano Nya inorchestrate ang pagkakuha ko ng subject kahit sa bawat pagaantay ko sa pila. nakakatawa na may mag katanungan cyang sinasagot habang nagaantay ng validated form at kahit sa pagpila sa OUR. ang sayang makita ang UP ng masaya at madaming tao. kahit ang esbi tambayan, marami na ulit tao, at masaya na ulit. grateful din ako sobra sa mga class ko ngayon. lalo sa hapon 10..kahit hirap talaga ako. *wee* medyo nahahabol ko na pala ang oras ngayon. hindi na cya ang humahabol sa akin...*smiles* wala akong masabi...hindi marami..pero hindi dapat i-blog. hay. pahabol: wala palang connect yung quote sa article. ang ganda lang. peyborit ko kasi ang mulan. - posted by jolise @ 12:08 am Make a comment Permalink
Sunday, November 11, 2007
perfect .;MADE ME GLAD:.
I will bless the Lord forever Psalm 46. Staying still, holding on, looking up to the heavens amidst the roaring sea. I thank God for today’s message sa church. Grabe yung reassurance Nya of His protection, control and grace. Truly, this is His work and He will see it through. Ang sarap ng ganito, yung feeling na wala kang aalalahanin kahit ang dami dapat. Haha. Naglalakad ako sa UP nung Friday, first day of class. Galing ako ng Arki, papuntang tambayan via the acad oval. So mahabang lakaran talaga ito. At grabe, ang ganda ng mga puno. Especially the acacias, with their branches reaching up and out to the acacia trees across the street. Hindi ko maiwasang magpuri sa Panginoon dahil sa kanila. Every tree intricately designed ang patterns ng branches at leaves. I asked God, pati po pa yung pagtubo ng bawat dahon at bawat sanga alam Nyo? And I know He does. Kung ano ano pa tungkol sa mga genes ng mga puno ang naisip ko. At na-amze ako sa kung paani sila inaalagaan ni Lord. Keeping them strong and study. And they look happy as well. Hindi ko alam kung paano, pero you just seem to know if a tree is happy or not. And Up trees are happy, full of memories… at kung tao lang sila, they would have been really wise. At nagpapasalamat ako ni Lord na kung ganon Nya alagaan ang mga puno, much more tayo. And I look up, smile all the way to esbi tambayan. J - posted by jolise @ 03:15 pm Make a comment Permalink
Thursday, November 01, 2007
chocolates Finally, nakauwi na din ako sa bahay. After 10 days. J natulog ako halos buong araw gumigising lang para kumain, magbasa at mareply sa mga text. Pagod din siguro pero factor din na gusto kong tumakas at magtago sa mundo. Hindi pa ako handing balikan ang aking mga iniwan. Pakiramdam ko hinahabol ako ng oras pero hindi ko naman alam kung paano ko haharapin ang bawat araw. Nagpapasalamat ako sa Lord sa isang buong sem na nagdaan. Truly I was standing on grace, living and breathing it. Sa lahat ng aspeto ng buhay ko. Nagpapasalamat din ako sa natapos na LDMC. Grabe ang pagkilos ng Panginoon at overwhelming ang pakiramdam na magamit para sa fulfillment ng mga Medyo malungkot lang ako ngayon dahil sa mga realizations tulad ng masyadong mabilis ang oras. At nung camp, naisip ko lang na baka huling lcdc ko na un. Nagtatanong ako nung post camp sa Lord kung kalian kya kami ulit magkakasamasama ng ganito. Graduating na ang halos lahat sa aming magkakasama, mga 2k6 kahit ang mga minahal ko nang mga tao sa 2k7 at ang mga iba pang iv. Ang bigat sa loob na iwan ang stage na ito ng ating buhay. Dagdag pa ang mga bagay na pinagdadaanan ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sem na darating. Ang acads, ang mga pangyayari sa esbi, mga kaibigan, mga anak. Napakaprecious ng bawat minuto. Pero tulad nga ng sabi ni ate mitzie na galing sa Hebrews 12, THE LORD IS SHAKING EVERYTHING SO THAT IN THE END, ONLY THAT WHICH CANNOT BE SHAKEN WILL REMAIN. Naisip ko lang, sa esbi, kahit wala na yung tambayan, nandyan pa naman ang isa’t isa, ang pagmamahal ng Panginoon at ang pagmamahal namin sa bawat isa, ito yung mga bagay na hindi nila maaring kunin. May mga bagay na mas mahalaga na dapat nating ipagpasalamat. Nagpapasalamat pala ako sa Lord sa ldmc kasi nakita ko ulit ang sunset, ang mga bituin, mga bulaklak, ang mga bundok at ang lawa. Ang ganda ganda ng nakita naming sunset. Kasi habang palubog na yung araw sa kanluran, parang hinahabol sya ng buwan na nasa silangan. Ang ganda kasi maliwanag pa ay may buwan na. ang saya. May pinagdadaanan pala ako ngayon na maari kong sabihin sa pamamagitan ng kwento na ito: Mahilig ako sa mga bata. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpapatuloy. J at may isang bata na sobra kong minahal at inalagaan…pero alam kong darating ang araw na kailangan ko syang iwan. Kailangan nyang matutunan na lumakad mag-isa, tumayo sa pagkakadapa ng walang nagaalalay sa kanya, at ang maging masaya kahit wala ako dun. Masakit na I will just be watching from a distance. Grabeng control din sa sarili yung kailangan lalo kung nakikita ko na syang nasasaktan, na kung pwede lang tumakbo at iligtas sya. Pero he has to grow up. Sa ngayon, kailangan ko syang iwan para matutunan ang mga bagay na dapat nyang matutunan on his own. Hindi ko alam kung maiintindihan nya, pero baka mas magulo lang pag pinaliwanag ko pa. ayoko nang ituloy…haha. Ang scattered ata ng thoughts ko…parang may ADHD lang. Ito muna. Smile. J - posted by jolise @ 12:29 am Make a comment Permalink
|
About Me ![]() **...chocolates make me happy...** making music "how do you pick up the threads of an old life? how do you go on, when in your heart, you begin to understand, there is no going back. there are some things time cannot mend. some hurts that go too deep, they have taken hold." -Frodo, LOTR3:The Return of the King- Contact Me
Navigation ...the still small voice we hold on to... ...and people who matter...
Calendar
Tagboard
Thanks blogskins layout
RSS Atom |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||