Thursday, November 01, 2007

chocolates


Finally, nakauwi na din ako sa bahay. After 10 days. J natulog ako halos buong araw gumigising lang para kumain, magbasa at mareply sa mga text. Pagod din siguro pero factor din na gusto kong tumakas at magtago sa mundo. Hindi pa ako handing balikan ang aking mga iniwan. Pakiramdam ko hinahabol ako ng oras pero hindi ko naman alam kung paano ko haharapin ang bawat araw.

 

Nagpapasalamat ako sa Lord sa isang buong sem na nagdaan. Truly I was standing on grace, living and breathing it. Sa lahat ng aspeto ng buhay ko. Nagpapasalamat din ako sa natapos na LDMC. Grabe ang pagkilos ng Panginoon at overwhelming ang pakiramdam na magamit para sa fulfillment ng mga plano Nya.

 

Medyo malungkot lang ako ngayon dahil sa mga realizations tulad ng masyadong mabilis ang oras. At nung camp, naisip ko lang na baka huling lcdc ko na un. Nagtatanong ako nung post camp sa Lord kung kalian kya kami ulit magkakasamasama ng ganito. Graduating na ang halos lahat sa aming magkakasama, mga 2k6 kahit ang mga minahal ko nang mga tao sa 2k7 at ang mga iba pang iv. Ang bigat sa loob na iwan ang stage na ito ng ating buhay.  Dagdag pa ang mga bagay na pinagdadaanan ko. Sana pag kumain ako ng ice cream maayos na ang lahat. Pero alam kong hindi.

 

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sem na darating. Ang acads, ang mga pangyayari sa esbi, mga kaibigan, mga anak.  Napakaprecious ng bawat minuto. Pero tulad nga ng sabi ni ate mitzie na galing sa Hebrews 12, THE LORD IS SHAKING EVERYTHING SO THAT IN THE END, ONLY THAT WHICH CANNOT BE SHAKEN WILL REMAIN.  Naisip ko lang, sa esbi, kahit wala na yung tambayan, nandyan pa naman ang isa’t isa, ang pagmamahal ng Panginoon at ang pagmamahal namin sa bawat isa, ito yung mga bagay na hindi nila maaring kunin. May mga bagay na mas mahalaga na dapat nating ipagpasalamat.

 

Nagpapasalamat pala ako sa Lord sa ldmc kasi nakita ko ulit ang sunset, ang mga bituin, mga bulaklak, ang mga bundok at ang lawa. Ang ganda ganda ng nakita naming sunset. Kasi habang palubog na yung araw sa kanluran, parang hinahabol sya ng buwan na nasa silangan. Ang ganda kasi maliwanag pa ay may buwan na. ang saya.

 

May pinagdadaanan pala ako ngayon na maari kong sabihin sa pamamagitan ng kwento na ito:

Mahilig ako sa mga bata. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpapatuloy. J  at may isang bata na sobra kong minahal at inalagaan…pero alam kong darating ang araw na kailangan ko syang iwan. Kailangan nyang matutunan na lumakad mag-isa, tumayo sa pagkakadapa ng walang nagaalalay sa kanya, at ang maging masaya kahit wala ako dun. Masakit na I will just be watching from a distance. Grabeng control din sa sarili yung kailangan lalo kung nakikita ko na syang nasasaktan, na kung pwede lang tumakbo at iligtas sya. Pero he has to grow up. Sa ngayon, kailangan ko syang iwan para matutunan ang mga bagay na dapat nyang matutunan on his own. Hindi ko alam kung maiintindihan nya, pero baka mas magulo lang pag pinaliwanag ko pa. ayoko nang ituloy…haha.

 

Ang scattered ata ng thoughts ko…parang may ADHD lang.

 

Ito muna.

 

Smile. J




- posted by jolise @ 12:29 am

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry

About Me


johanna lise.jo.jolise.nini.
**...chocolates make me happy...**



making music


"how do you pick up the threads of an old life?
how do you go on, when in your heart, you begin
to understand, there is no going back.
there are some things time cannot mend.
some hurts that go too deep, they have taken hold."
-Frodo, LOTR3:The Return of the King-



Contact Me


Navigation

...the still small voice we hold on to...

...and people who matter...


Calendar

<< November 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30


Tagboard

   


Thanks

blogskins
layout


Blogskin's Icy Ballet

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:

RSS Atom
rss feed