ang tagal na. ang tagal na ng huli akong nagblog. pero baka hindi rin. matagal ba ang 14 days? sa tingin ko hindi, dahil ang bilis ng panahon. ilang araw nalang pasko na, tapos bagong taon. baka paglabas ko ng pinto graduation na.
after ups and downs, twists and turns, ito ang ilang updates sa aking buhay..para sa mga taong hindi ko natetext. btw, wala na pala ulit unlimited sa globe. baka dahil sa holidays.
*ang aking kaarawan. bow.
maraming salamat sa Lord sa isang masayang araw. though personally ang hectic ng araw ko. pakiramdam ko takbo ako ng takbo..punta dito at punta dun. parang ang sarap sumigaw na "birthday ko ngayon, please pahinga naman". pero hindi. still masaya naman ako na naging maganda ang buong araw. salamat sa aking pamilya, sa aking chocolates, sa esbi, sa exec, sa kcmates, sa ivmates, sa churchmates, sa captivating, sa aking mga roxas girls na wednesday palang ay bumati na.
super pinaiyak nila ako. salamat sa Lord sa buhay nila. hanggang ngayon nagtatanong pa din ako kay Lord kung bakit ako. thier lives are so precious, ang unworthy ko to take care of them. the Lord is teaching me a lot of things throught thier lives. at super grace, grace and joy to see the how God works in their lives, first hand. naiiyak nanaman ako habang tinataype ito. promise, everytime nikwekwento ko sila, overworked talaga ang tear glands. *tears* they are blessings, so much.
*and nmat.
salamat sa Lord at natapos na cya. masaya naman ako habang nagtatake ng exam. sana masaya din ang result. :) haha. nakapagpasa na din kami ni jardynne momo ng pgh form kahapon. ang weird ng kaligayahan ko. alam ko kasing on my own hindi talaga ako makakapasok dun. at kung mangyayari man yun, sobrang grace talaga. naooverwhelm lang ako sa lugar. *tears* at sobrang mahal ko kasi ang pagsakay sa mga tren, may article ata ako dati about dun sa past entries... eniwei, pagbaba ng lrt1 sabi ko kay jardynne, 'let us welcome our destiny with open arms'. tawa lang kami ng tawa habang iniimagine ang buhay namin dun. namili pa kami ng mga bagay sa tiangge.
pauwi, may kinandong ako na bata sa mrt. kasi yung momi nya ay kandong yung younger kapatid nya na girl. mga 2 or 3 yeras old siguro cya na boy. ang sarap lang umiyak sa tuwa. ang sweet ni Lord. hindi ko alam kung bakit hinayaan nya yun mangyari. pampalubag loob na hindi ako makakapasok sa pgh? o affirmation na magdodoctor ako? hindi ko alam. ayokong isipin, masusurprise nalang ako balang araw.
*ang skul.
skul pa din. madaming requirements. mabuti nalang mahal ko ang mga subject ko ngayon. kaso may problemat ata ako, im living so much in the here and now. dahil ata sa huling librong binasa ko, ang time traveller's wife. nalilimutan ko ang future. kaya tuloy madalas akong magcram. nalilimutan ko din madalas ang dates, kung anong araw na, at kung anong schedule ko for that day. salamat kay momo na forever nagreremind at hindi ako pinagtatawanan.
napakaganda din ng UP! ang daming christamas lights. ngayon ko lang narealize na mahilig pala ako sa mga ilaw. all sorts and sizes. basta light, lalo pag madilim ang paligid. ang dami na ding mga tiangge, at yung 10pesos store!!!! waah. its the best! nakakaiadik din ang ganda ng sunken ngayon. green na green ang mga damo. hiyang pala sila sa pasko, parang pati sila masaya din.
*songs. ang mga kanta ng buhay ko at the moment.
hossana at lead me to the cross ng hillsong. umagang kay ganda ng bamboo and the children. how to save a life ng the fray. you and me ng lifehouse. tabing ilog ng barbie's cradle. gone ng switchfoot.
*themes
the prayer of david: 2nd samuel 7. 2nd corinthians 1 and 2.
may mga tinuturo sa akin si Lord ngayon. madami pala. ang karamihan masakit or alam kong parating na masakit. buti nalang may grace, na alam natin na pinadadaanan sa atin yun ni Lord for us to be more like Him. pero masakit pa din talaga, kahit naman si Jesus nasaktan. salamat sa assurance na hindi Nya ako iiwan, at maiintindihan Nya ang mga hikbi at mga luha.
"anyone who says sunshine brings happiness has never danced in the rain" -anonymous. yan ang nakalagay sa card na ibinigay sa akin ni ate charm. nay, syempre sina bi ko talaga. iyak ako ng iyak sa kanyang sulat. somehow alam ko kasi na yun ang pinapagawa sa akin ni Lord. na umalis sa comfort zone and to find beauty even in the things na hindi ko gusto. grabe, umiiyak nanaman ako. nais kong ishare ang ilang linya ng sulat ni nay charm .na sinulat ko ng walang paalam sa kanya. sori nay.
"But nak, i pray that on your 20th year, you would see the rain in an entirely different light and may you dance in the rain. dance in the rain of your struggles, dance in the rain of your victories. let us dance in the rain of His love nak. and also, we may never know, it wans't in the ray of sunshine, but in the drops of rain where God will give us what we have been looking/asking/desiring for. and sometimes, it is in the wet, splashy, muddy, cold rain that we find God."
if it is where God is, we would rather be there diba? yun ang pinakamagandang lugar, ang pinakamasya. nay, im still learning to love the rain. sana i would get there on time. in the perfect time.
napakabuti ng Panginoon. and papuri at pagsamba ay sa Kanya lamang.
._._._._._._.
para kay sir rene.
nabalitaan ko na may dalawa daw na propesor ng CAL ang magkasunod na pumanaw. nalungkot ako. kakaalis palang ni sir david, tapos ngayon, meron na naman. ang naisip ko nun, tapos na ang panahon nila. they have served their time, and they did it well. hindi ko naman alam na sir rene pala ang isa. december 5 ng madaling araw, heart attack.
2nd year. 2nd sem. Cal 209. MTh. 830-10. MP10.
pumapasok ako nun sa pinakauna kong klase sa linggo, madalas nakaskirt na ako dahil pe ang sunod ko na klase. madalas late si sir, ang mga dahilan nya dahil lasing sya nung nakaraang gabi, o masama ang pakiramdam nya. magsasalita pa muna sya at magkukwento. magchecheck ng attendance at pagkatapos halos 40 minutos nalang ang natitira para sa klase. partida, maaga pa cya magpapalabas nun. hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko ang pagpasok sa klase na yun.
terror si sir, namamahiya, paminsan nagmumura pag nagkukwento, masungit at mataas ang expectations. malabo ang mata nya kaya madalas sa harap ako umuupo, at kahit minsan, hindi ako natawag para magrecite. hindi din ako natawag para makipagduelo sa mga akda namin. ewan ko ba kay sir, baka naawa sa akin. marami sa mga kaklase ko ang takot sa kanya, lalo na ang mga freshie. at alam kong nagiisip sila kung bakit pa nila kinuha ang klase na yun. hindi ko alam kung bakit masaya ako sa klase na yun.
siguro dahil kay sir rene villanueva. tuwing Mth, inaabangan ko ang mga kwento ni sir. pakiramdam ko kasi ang wise nya. kakaiba sya at bilib ako na wala cyang pakialam sa sasabihin ng mga tao sa panlabas nyang mga gamit, mukhang masaya naman sya dun eh. minsan pumasok sya sa klase na naka orange na shirt at orange na pants. yung payong nya multicolored na malaki. mahilig nyang i-drag yun sa sahig pag naglalakad cya. yung bag nya digimon ang design. nakakatawa pero habang tinatype ko ito ngayon, umiiyak ako dahil wala na si sir. hindi ko na mapapapirmahan ang mga children's book na meron ako na sinulat nya.
nakakatuwa si sir na madalas ang bitter nya sa buhay pero ang sasaya at ang gaganda ng mga librong pambata sa sinulat nya. naging part pa cya ng admin ng batibot, kahit ayaw nya sa mga bata. nanalo ng madaming palanca at minahal ng mga estudyante. alam kong mahal din ni sir ang mga estudyante kasi kahit nagkakasakit sya at mahina na ang katawan ay sige pa din sya sa pagtuturo. at kahit ganun, alam kong mabuti ang puso ni sir. yung personal--koleksyon nya ng mga sanaysay tungkol sa kanyang buhay ay nagpapakita nun. grabe.
wala na si sir, pero parating andyan ang mga sinulat nya na magbibigay sa atin ng mga magagandang alaala tungkol sa buhay nya. nagpapasalamat ako na naging guro ko sya, oo, mababa ang grade na binigay nya sa akin, pero hindi ko ipagpapalit ang semestre na yun. naiyak ako nang makita ko muli ang litrato ni sir sa kule. mas malusog cya at nakangiti sa kuha na yun. at ganun ko sya gustong maalala.
"in our lives, may people come and many people go...some stay...and only a few leave imprints in our hearts."