|
Wednesday, February 13, 2008
pisiks …on blogleave ako for a long time…
Im back. Para kay Ronnie* Nagulat ako nung nakita ko syang muli nung huli kong punta sa Math. Ayoko nang bunalik sa math building at sinabi ko sa aking sarili na hindi na ako babalik dun after ng pangalawa at huli kong math subject. Pero parang hindi ganun ang gusto ng nakakaalam ng lahat. Nagkaproblema ang subject ko at kinailangan kong bumalik balik sa math para asikasuhin ang grade ko. At dun ko muling nakita si Ronnie. Nakaupo sya sa isa sa mga benches at binati nya ako. Tingin ko nalimutan na nya ang pangalan ko. Pero naalala pa din nya ako dahil sa isang bagay. Naging klasmeyt ko si Ronnie sa physics 71.1, laboratory class. At hindi required sa course naming yun. Ewan ko ba kung bakit ko kinuha. 2 oras every wedenesday, at sobrang hirap ng mga exercises at lab reports. Ang layo pa ng nip. Minsan sinusumpa ko na ang sarili ko kung bakit ko ba kinuha ang subject na yun. Pero matapos ang lahat, narealize ko kung bakit hinayaan na makuha ko yun. Nakilala ko sila. Si Ronnie, si Marcus* at Jing*. Groupmates pa kami at magkakasama sa table. And they are wonderful people. Tinanong agad ako ni Ronnie kung nakalipat na ako sa physics, lagi nya kasi akong niloloko na magshift na ako. Sabi ko graduating na ako at pabirong sasabihin na sayang hindi ako nakalipat… may physics prof kasi silang inaasar sa akin nun. Genius si Ronnie. Pero alam kong yun nalang ang naalala nya tungkol sa akin. Pero okei lang. At least meron. Siguro tinuro nila sa akin na may mga taong hinahayaan ng Diyos na dumaan sa ating buhay, kahit panandalian, na tulad ng isang sem. at pwedeng sa panahon na yon ay hindi natin alam kung bakit pero oo nga naman, we still have our whole lifetime to find out. Malay ko ba, magkita kami ni Ronnie ulit, at isa na syang genius scientist. Hehe. J *binago ang mga pangalan para sa kapakanan ng mga taong nabanggit. J - posted by jolise @ 04:37 pm
|
About Me ![]() **...chocolates make me happy...** making music "how do you pick up the threads of an old life? how do you go on, when in your heart, you begin to understand, there is no going back. there are some things time cannot mend. some hurts that go too deep, they have taken hold." -Frodo, LOTR3:The Return of the King- Contact Me
Navigation ...the still small voice we hold on to... ...and people who matter...
Calendar
Tagboard
Thanks blogskins layout
RSS Atom |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||